Kinumpirma ng provincial government ng Oriental Mindoro na isang magdadalawang taong gulang na sanggol ang kauna unahang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan.
Ang nasabing sanggol, ayon sa online post ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Bonz Dolor ay mula sa barangay Ilaya, Calapan City at mayruong travel history sa Alabang, Muntinlupa sa pagitan ng March 5 hanggang March 12.
Hinihintay na lamang aniya ang resulta ng test sa guardian ng bata bagamat sinimulan na rin ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng sanggol
Samantala, nag negatibo naman sa sakit ang 7 sa 13 persons under investigation (PUIs) sa nasabing lalawigan.