Nakapagtala na ang Siquijor ng kauna-unahang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Siquijor Governor Zaldy Villa, pawang mga nagbabalik residente ang dalawang unang kaso ng COVID-19 sa lalawigan at hindi itinuturing na local transmission.
Kapwa aniya bumiyahe galing Metro Manila ang dalawang pasyente at kasalukuyan nang nasa quarantine facility.
Sinabi ni Villa, isa mga ito ay tiga bayan ng Lazi habang ang isa naman ay mula sa Larena.
Kaugnay nito, nanawagan ng suporta at pakikiisa ang lokal na pamahalaan ng Siquijor sa mga residente para mapigilan ang lalu pang pagkalat ng virus gayundin ng pang-unawa sa mga tinamaan ng sakit.