Nakapagtala na ng unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang rehiyon ng Cordillera.
Ayon kay Abra Governor Maria Jocelyn Bernos, isang migrant worker na kauuwi lang ng probinsya mula United Arab Emirates (UAE) ang tinamaan ng COVID-19.
Dahil dito, agad na isinailalim sa quarantine ng local task force ang pasyente at nakatakdang ilipat sa isang ospital sa lalawigan.