Nakapagtala na ang Aparri, Cagayan ng kauna-unahang kaso ng COVID-19.
Kinumpirma ni Cagayan Valley Medical Center (CVMC) Chief Dr. Glenn Matthew Baggao ang unang kaso na 77 taong gulang na lola at locally stranded individual (LSI) mula sa Metro Manila.
Ang unang pasyente ng COVID-19 sa Aparri na residente ng barangay Tallungan ay nagtungo lamang sa Quezon City para sa kaniyang medical checkup sa Providence Hospital dulot ng pneumonia at makalipas ang ilang araw ay lumabas ito ng ospital at umuwi na sa Aparri.
Makalipas ang isang linggo ay nagkaroon ng ubo at nanakit ang dibdib ng lola kaya’t dinala ito sa Lyceum of Aparri bago inilipat sa CVMC.
Ang nasabing pasyente ay mayroon ding sakit sa puso, hypertension at diabetes.