Naitala ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Basilan.
Ayon kay Governor Jim Hataman Salliman, residente ng barangay Bohe-Lebbung ang 47 anyos na pasyente na nagpositibo sa sakit.
Sinabi ni Salliman na regular umanong nagpapa-dialysis ang pasyente sa Zamboanga City Medical Center.
Dahil dito, isinailalim na sa lockdown ang barangay Bohe Lebbung bilang preventive measure laban sa pagkalat ng COVID-19 sa lugar.