Kinumpirma ng pamahalaan ng New York State ang unang kaso nito ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Inanunsyo ito ni New York Governor Andrew Cuomo kung saan ang pasyente ay isang 30-anyos na babae na nakumpirmang positibo sa sakit –base sa pagsusuring ginawa ng Wadsworth Laboratory.
Nakuha ng pasyente ang sakit matapos magbiyahe sa Iran at ito ay naka-home quarantine na.
Nanawagan si Cuomo sa mga mamamayan ng New York na manatiling kalmado sa gitna na rin ng unang kaso ng COVID-19 na naitala sa kanilang lugar.
Samantala, nasawi naman ang ikalawang apektado ng COVID-19 sa Washington State.
Ang nasawing pasyente ay mula sa Seattle area –base na rin sa website ng Seattle and King County Public Health Department.