Kinumpirma ng World Health Organization ang kauna-unahang naitalang kaso ng Deadly Marburg Disease sa West Africa.
Ayon sa WHO, ang virus na ito na may kaugnayan din sa Ebola at COVID-19 ay naisasalin mula sa mga hayop patungo sa tao.
Karaniwan umano itong dala-dala ng mga paniki at may fatality rate na hanggang 88%. Ito umano ang nakita sa pasyenteng binawian ng buhay noong Agosto2 sa Southern Gueckedou Prefecture.
Ang Marburg Virus ay may potensyal umanong kumalat ng pang malawakan kaya’t kailangan na umano itong agapan.