Nakapagtala na ang Baguio City ng kauna-unahang kaso ng Delta variant sa lungsod.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang nasabing kaso ay gumaling na at ang kaso ay nakita at naipabatid nitong Agosto 15.
Ayon pa sa DOH, kabilang ito sa karagdagang kaso na naitala mula sa isang returning OFW na tiga-Baguio City pero ang nasabing kaso ay nasa data base ng Epidemiology Bureau at hindi local case.
Ayon sa Baguio City LGU, empleyado ng isang english school sa Camp 7 ang nasabing local case at nai-swab ito noong Hulyo 24 at nakahawa ng hindi lalagpas sa 10 sa 100 empleyado at naitala na bilang mga recovred case. —sa panulat ni Rex Espiritu