Isang OFW mula Riyadh, Saudi Arabia ang unang kaso ng Delta variant sa Dagupan City.
Ayon sa Dagupan City Public Information Office, Hulyo 25 nang dumating sa Maynila ang pasyente at Hulyo 31 naman nang sumailalim ito sa RT-PCR test kung saan siya ay nagpositibo.
Dumating sa Dagupan ang nasabing pasyente noong Agosto 11 at muling sumailalim sa RT-PCR test.
Muli itong nagpositibo at nananatiling asymptomatic.
Nakatakda namang isailalim muli ngayong araw sa RT-PCR test ang OFW kasama ang kanyang pamilya. —sa panulat ni Hya Ludivico