Kinumpirma ng China na naitala nito ang unang kaso ng human infection ng H3N8 Avian Influenza o bird flu.
Ayon sa National Health Commission (NHC) ng China, isang apat na taong-gulang na lalaking residente ng Henan Province ang isinugod sa ospital makaraang makitaan ng sintomas katulad ng lagnat.
Nabatid na nagkaroon ng contact ang bata sa mga manok at uwak na kanilang inaalagaan sa kanilang bahay.
Wala namang nakitang abnormalities ang NHC sa mga close contact ng bata at sinabing mababa lamang ang tsansa na kumalat ito sa tao.
Noong 2021 ay naitala rin sa China ang unang human case ng H10N3 bird flu strain.