Nakapagtala ng kauna-unahang human-to-animal transmission ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa Hong Kong.
Ito ay matapos mag positibo sa sakit ang isang Pomeranian dog sa Hong Kong nang mahawa sa 60-taong gulang na babaeng pasyenteng nagmamay-ari sa kaniya.
Ang nasabing aso na kaagad isinailalim sa quarantine sa animal center, ayon sa Agriculture, Fisheries and Conservation Department ng Hong Kong, ay sasailalim sa serye ng tests.
Maituturing namang low level lamang ang tumamang sakit sa aso.