Hindi pa dapat ikaalarma ang pagkaka detect ng unang kaso ng Lambda variant sa Pilipinas ayon sa OCTA Research Group.
Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA, Delta variant pa rin ang nananatiling banta sa tuluyang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ani Guido, hindi pa maituturing na variant of concern ang Lambda dahil kulang pa umano ang impormasyon ukol dito kung ito ba mas nakakahawa o vaccine resistant.
Gayunman tiniyak na David na patuloy na binabantayan ang Lambda at hindi pa rin aniya ito dapat ipagsawalang bahala.