Local case at hindi returning OFW ang unang na-detect na unang kaso ng Lambda variant sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isang 35 anyos na buntis ang nagpositibo sa COVID-19 at nakarekober naman nuong Hulyo.
Wala aniya siyang sintomas na naramdaman ngunit patuloy pa rin ang monitoring lalo’t siya ay buntis.
Patuloy din umano ang pagsasagawa ng contact tracing at pangongolekta ng mga samples para sa genome sequencing.