Binabantayan na ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at ng Local Officials ng Dallas, Texas ang unang kaso ng hindi pangkaraniwang monkeypox na natukoy sa isang biyahero mula Nigeria.
Ang monkeypox ay kahalintulad ng smallpox na hindi naman kabilis makapanghawa.
Ayon sa U.S. CDC, ginagamot na sa London ang pasyente na nakararanas ng lagnat, pananakit ng ulo at katawan.
Pinaghahanap na ang local contacts ng unang kaso na kasabay nitong magtungo sa Dallas.