Kinumpirma na ng Singapore ang unang kaso ng monkeypox sa kanilang bansa, kauna-unahan sa Southeast Asia.
Ayon sa Singapore Health Ministry, isang 42- anyos na lalaking British ang unang kaso, flight attendant, at bumibiyahe na papasok at palabas ng Singapore mula pa kalagitnaan ng Hunyo.
Nasa stable nang kalagayan ang lalaki sa National Centre for Infectious Diseases sa Singapore.
Sa ngayon, 13 close contact na ng first monkeypox case ang natukoy na isinailalim agad sa Quarantine.
Nagpapatuloy naman ang Contact tracing para sa iba pang nakasalamuha ng unang kaso.