Naitala na ang unang kaso ng monkeypox United Arab Emirates (UAE).
Ang UAE ang kauna-unahang gulf state na nagkaroon ng kaso ng naturang sakit.
Ayon sa mga eksperto, tataas pa ang kaso ng nasabing virus ngunit naniniwala sila na nananatiling mababa ang overall risk ng naturang sakit sa general population.
Samantala, una nang nagtala ng mga kaso ng monkeypox Ang Czech Republic, Slovenia at 18 iba pang bansa.