Nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng monkeypox virus ang Japan matapos maitala ng World Health Organization (WHO) ang mahigit 16K kaso ng nasabing virus na natukoy sa 75 bansa.
Nabatid na nagpositibo sa monkeypox virus ang isang 30-anyos na lalaki na taga-Tokyo na ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.
Sa huling datos ng WHO, lima na ang naiulat na binawian ng buhay sa Africa na mabilis umanong kumalat sa iba pang mga bansa.
Ayon sa WHO, naipapasa ang nasabing sakit sa pamamagitan ng pakikipagsalamuha kung saan, kabilang sa sintomas nito ang pagkakaroon ng lagnat, bulutong, sakit ng tiyan, pananakit ng ulo’t kalamnan, at pagkapagod.