Nasa huling araw na ng isolation ang naitalang unang kaso ng monkeypox virus sa Pilipinas.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, maaari nang makalabas ng ospital ang 31- anyos na pasyente basta ay mayroong Go-signal ng doktor.
Sakaling payagan, maaari nang makisalamuha ng unang kaso sa kaniyang pamilya at kaibigan.
Patuloy namang binabantayan ng DOH ang close contact ng unang kaso, matapos silang i-require na sumailalim sa quaratine sa loob ng 21 araw.
Bukod sa nasabing kaso ng monkeypox virus, wala na ngayong ibang kaso ng sakit na nakikita ang DOH sa bansa.
Matatandaang noong July 28 nagpositibo ang pasyente sa monkeypox.
Noong July 23 naman idineklara ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox outbreak kung saan aabot sa 72 bansa ang apektado.