Itinuturing ng case closed ang unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12 sa bansa.
Ayon sa Department of Health, batay sa monitoring sa nakalipas na halos dalawang linggo, hindi nagpakita ng sintomas ang lahat ng close contact ng unang kaso.
Dumating sa Baguio City noong Abril a-2 ang unang BA.2.12 cases na isang 52- anyos na babae mula Finland.
Siyam ang naging close contact ng babae sa Quezon City, lima sa Benguet at 30 sa eroplano papuntang Pilipinas.
Nakarekober na mula sa COVID-19 ang pasyente at nakabalik na sa Finland.