Nakapagtala na ang Ilocos Norte ng unang kaso ng Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay Governor Matthew Marcos Manotoc, kinumpirma ng Department of Health na mayroon nang nakapasok na Omicron variant sa lalawigan.
Gayunman, sinabi ni Manotoc na walang dahilan para mag-panic ang publiko dahil karamihan sa mga residente ay bakunado na laban sa COVID-19.
Iginiit rin nito na hindi sila magpapatupad ng malawakang hard lockdown.
Wala namang inilabas na detalye si Manotoc hinggil sa unang kaso ng Omicron variant ngunit, kinumpirma ni Ilocos Center for Health Development COVID-19 Focal Person Dr. Rheuel Bobis, na ang unang kaso sa lalawigan ay isang 70-taong gulang na lalaki, na isang returning overseas filipino (ROF).
Nitong January 15 ay nakapagtala ang lalawigan ng 197 na bagong mga kaso ng COVID-19, kaya’t pumalo na sa 1,003 ang active cases sa Ilocos Norte.