Nakapagtala na rin ang Cambodia ng kauna-unahang kaso ng Omicron variant ng COVID-19.
Kinumpirma ng gobyerno ng Cambodia na isang 23 anyos na babae ang dumating mula Africa noong Disyembre a-12 na nag-positibo sa Omicron variant sa lungsod ng Phnom Penh.
Samantala, nasa mahigit 100,000 (120,382) ang kabuuang kaso ng COVID-19habang halos 3,000 (2,992) ang namatay sa nasabing bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho