Nakapagtala na ng pinakaunang Omicron variant ng COVID-19 ang lalawigan ng Iloilo.
Isang 46 anyos na seafarer mula sa kenya, residente ng Sooc Arevalo, Iloilo City at hindi bakunado kontra COVID-19.
Ayon Kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang seafarer ay nagnegatibo sa RT-PCR Test noong December 1 sa kenya at pumunta ng Cebu noong December 15 kung saan siya nag-quarantine sa isang hotel.
Muling nagnegatibo ang kanyang RT-PCR test nuong December 19 at umuwi ito sa Iloilo city nuong December 24.
Ayon sa Alkalde, tatlong araw sumailalim sa strict home quarantine ang seafarer at dinala sa quarantine facility.
Wala umano itong naka-close contact dahil nag-iisa lang siya sa kanyang bahay.
Samantala, nuong December 27 positibo ito sa rt pcr kung saan nakitaan na mababa ang kanyang cycle threshold value kaya idinaan ito sa genome sequencing.
Nuong January 4 lumabas ang resulta at napag-aklaman na nagpositibo ang seafarer sa omicron variant.
Sa ngayon ay naka isolate pa rin at asymptomatic ang seafarer.