Natukoy ang unang kaso ng COVID-19 Omicron variant sa isang dayuhang estudyante na mula sa South Africa sa bansang Malaysia.
Ang nasabing dayuhan ay nagpositibo sa virus pagdating sa Malaysia kung saan isinailalim na agad ito sa 10 araw na quarantine.
Sinasabing asymptomatic at bakunado naman ito kontra COVID-19.
Habang negatibo naman ang kanyang limang indibidwal na nakasama sa sasakyan.
Una nang naiulat na dalawang kaso ng naturang variant ang na detect sa Singapore.