Nakapagtala na ang Iran ng unang insidente ng pagkamatay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Health ministry, ang nasawi ay kasama sa bagong 10 kaso na naitala sa naturang bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 5 ang bilang ng mga namatay habang 28 na ang tinamaan ng nabanggit na virus sa Iran.