Kinumpirma ng Malaysia ang kauna unahang kaso ng polio sa bansa matapos ang halos tatlong dekada.
Ayon kay Malaysia Director General of Health Noor Hisham Abdullah, isang tatlong buwang gulang na sanggol mula sa Tuaran ang nagpositibo sa sakit.
Aniya, ginagamot na ang sanggol sa isang isolated area at nasa mabuting kalagayan na ngunit kailangan pa rin ng asiste sa paghinga.
Dagdag pa nito, 2 sa 15 bata sa lugar ng sanggol ang hindi nabakunahan kontra polio.
Sa ngayon ay gumagawa na ng paraan ang pamahalaan para hindi na kumalat pa ang sakit.
Magugunitang naitala ang pinakahuling kaso ng polio sa Malaysia noong 1992 at idineklara namang polio free ng taong 2000.