Nagnegatibo na sa UK COVID-19 variant ang unang Pilipinong tinamaan nito.
Ayon sa pahayag ng Quezon City Local Government Unit, nagnegatibo na sa bagong variant ng virus ang kanilang residente, base sa huli nitong swab test result.
Bago naman tuluyang makalabas ng quarantine facility ang naturang pasyente, magsasagawa muna ng final assesment ang kanyang mga doktor.
Pero paglilinaw ng mga ito, kahit pa tuluyang ma-discharged sa quarantine facility ang pasyente, magtutuloy pa rin naman anila ang health monitoring dito sa loob ng dalawang linggo.
Sa huli, nag-paalala ang QC LGU sa mga residente nito na huwag i-discriminate ang sinumang magpopositibo sa COVID-19, dahil mariin itong ipinagbabawal sa lungsod, sang-ayon sa anti-discrimination ordinance.