Nakatakdang salubungin ng oil price hike ang unang linggo ng 2021.
Itoy matapos na iulat ng ilang taga-industriya ng langis, na asahan na ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Posibleng umabot sa 30 hanggang 40 sentimo ang itataas sa kada litro ng kerosene at diesel.
Samantalang nasa 20 hanggang 30 sentimo naman ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Sinabi naman ng ilang eksperto, na maliban sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic, tumaas din daw ang konsumo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado na nagresulta sa pagbaba daw ng oil inventory ng Amerika.