Wala nang humpay ang pagsirit ng produktong petrolyo sa bansa na isa na namang malaking pasakit para sa mga motorist.
Ayon sa industriya ng langis, asahan na umano ang panibago na namang pagtaas ng presyo ng langis sa unang linggo ng buwan ng marso o sa susunod na linggo.
Inaasahang aabot sa P0.70 hanggang P0.85 ang itataas sa kada litro ng diesel o krudo habang P0.95 hanggang P1.10 ang iatataas naman sa kada litro ng gasoline.