Walang naitalang kaso ng COVID-19 sa unang linggo ng pilot run ng limited face-to-face classes.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, umabot sa 4,537 na mag-aaral sa kinder hanggang grade 3 at grade 11 hanggang 12 ang lumahok sa unang linggo ng pilot run.
Base anya ito sa paunang resulta ng weekly school reporting sa limitadong face to face classes noong November 24.
Inihayag naman ni National Academy of Sports and Field Operations Assistant Secretary Malcolm Garma na sinunod ng mga magulang ang mga alituntunin upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at iba pang personnel sa mga kalahok na pilot school.
Bagaman may mga mag-aaral na nilagnat, hindi na sila pinapapasok sa paaralan ng kanilang mga magulang.
Binigyang-diin ni Garma na maaaring magbago ang mga bilang ng mga estudyante sa mga susunod na araw lalo’t sinusuri pa ng kagawaran ang mga datos mula sa learner information system at plantilla items. —sa panulat ni Drew Nacino