Idedeklarang National Respect for Centenarians Day sa Pilipinas ang unang araw ng Linggo sa buwan ng Oktubre.
Sa araw na ito bibigyang parangal ang mga Pilipinong umabot na sa 100 taon.
Ayon kay Albay First District Representative Edcel Lagman, may akda ng orihinal na centenarian bill, bibigyan ng plaque of recognition ang lahat ng centenarians at cash incentives na magmumula sa local government unit.
Maliban pa anya ito sa isandaang libong piso na magmumula sa national government pagtuntong ng senior citizen sa kanyang ika-100 taon.
Bahagi ng pahayag ni Albay First District Congressman Edcel Lagman
Noong 2013, pumasa na sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang Centenarian Bill subalit vineto ito ng Pangulong Benigno Aquino III.
Sa pagpasok ng 16th Congress, muli itong inihain ni Cong. Grex Lagman at nilagdaan lamang bilang batas ng Pangulong Aquino, halos isang linggo bago siya umalis sa puwesto.
By Len Aguirre | Ratsada Balita
(Photo by: ERWIN G. BELEO)