Tagumpay ang unang linggo ng paglarga ng “Alalay sa MRT-3” project ng D.O.T.R., L.T.F.R.B., L.T.O. At M.M.D.A.
Ayon kay Bong Nebrija, traffic management operations head ng MMDA, mahigit isanlibo ang naisakay o tumangkilik sa mga Point-to-Point bus maging ang libreng sakay sa MMDA bus, kahapon.
Labing-apat na private P2P at apat na MMDA bus anya ang nakapagbigay serbisyo sa mga pasahero ng MRT-3 na hindi na nakatiis sa napakahabang pila at siksikan.
Mula North Avenue, Quezon City hanggang Ayala Avenue, Makati, 40 minuto lamang ang biyahe nang umalis ang unang bus dakong ala 6:00 ng umaga habang inabot ng isa’t kalahating oras ang mga sumunod na bus dahil sabay sa kasagsagan ng morning rush hour.
Halos kapareho lamang ito kung sasakay anya ng MRT at kung isasama ang halos isang oras na siksikan at pila bago makasakay ng tren.
Libre ang pasahe sa M.M.D.A. bus habang 24 Pesos sa P2P na hinalintulad sa MRT.