Inilarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang unang linggo ng kaniyang panunungkulan bilang Punong Ehekutibo ng bansa.
Sa BBM video vlog nitong Sabado, ibinahagi ni Marcos Jr. ang kaniyang pagsisimula at mga nagawa sa kaniyang unang linggo kabilang na dito ang pagbalik-tanaw noong una silang tumira sa palasyo.
Ayon sa Pangulo, kabilang sa kanilang pinag-usapan sa Cabinet meeting ay ang tungkol sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo; pagbabalik ng face-to-face classes; pagpapalakas ng food security; pagpapalawig pa ng vaccine campaign; at pagtanggap ng mga courtesy call mula sa ibat-ibang mga bansa.
Sinabi pa ni PBBM na kulang pa ang isang linggo para malibot at maikwento niya sa kaniyang mga anak ang kasaysayan ng bawat sulok ng Palasyo noong panahon ng pamumuno ng kaniyang yumaong ama.