Magiging abala ang unang linggo ni Ms. Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach dahil sa sunod-sunod na aktibidad na nakalinya ngayong balik-bansa na siya.
Bukas, Enero 24, haharap si Pia sa mga miyembro ng media para sa kanyang kauna-unahang press conference dito sa Pilipinas bilang Miss Universe.
Sa Lunes naman, bago magsimula ang kanyang homecoming parade, mag ko-courtesy call muna si Queen P kay Manila Mayor Joseph Estrada at sa Senado kung saan siya gagawaran ng citation of excellence dahil sa kanyang pagsungkit ng korona sa Miss Universe pageant 2015.
Sa araw naman ng Martes, tutungo si Pia sa Malacañang upang mag-courtesy call kay Pangulong Noynoy Aquino.
Pagkatapos nito ay ang sunod-sunod pang courtesy calls sa alkalde ng Quezon City at Makati at sa batasang pambansa kung saan niya tatanggapin ang congressional medal of distinction.
Charity day naman ni Pia sa Enero 27, araw ng Miyerkules.
Habang sa Huwebes, idaraos ang Miss Universe homecoming special para kay Pia sa Smart Araneta Coliseum.
By Jonathan Andal