Kinumpirma ng Philippine Airlines na isa sa kanilang pasahero ang naka-isolate sa Hong Kong makaraang magpakita ng sintomas ng monkeypox virus.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, Setyembre a – 5 nang dumating sa Hong Kong ang lalaking pasahero ng PAL flight PR300.
Inabisuhan naman ni Villaluna ang lahat ng pasaherong nakasalamuha ng lalaki na i-monitor ang kanilang kalusugan at agad magpatingin sa doktor kung mayroong nararamdamang sintomas.
Maaari rin anyang makipag-ugnayan sa centre for health protection ng Hong Kong department of health.
Nakikipag-ugnayan na rin ang PAL sa Department of Health ng Pilipinas kaugnay sa nasabing kaso ng monkeypox. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)