Naibulsa ni Serbian tennis star Novac Djokovic ang una niyang panalo para sa 2016.
Ito ay matapos talunin ni Djokovic si Dustin Brown sa iskor na 6-2, 6-2 sa opening game ng Qatar Open.
Kinailangan lamang ni Djokovic ng 51 minuto para pataubin ang Jamaican-German na si Brown.
Sa unang set pa lamang ay nagpakitang gilas na ang world’s number one men’s singles tennis player para bumuo ng 5-0 lead sa loob lamang ng 16 na minuto.
Tinangka man ni Brown na makabawi ay sadyang pursigido si Djokovic na makuha ang buena manong panalo.
By Ralph Obina