Hawak na ng Ateneo Blue Eagles ang unang panalo sa best of 3 ng UAAP Season 80 men’s senior basketball finals.
Dinagit ng Blue Eagles ang game 1 kontra De La Salle Green Archers makaraang talunin ang defending champions sa score na 76-70, sa kanilang paghaharap sa Araneta Coliseum, kagabi.
Kumamada ng 12 points si Thirdy Ravena at 11 points si Matt Nieto para sa Ateneo habang nagpakawala ng 24 points Aljun Melecio para sa La Salle.
Naging dikdikan ang laban sa pagitan ng magkaribal na team dahilan upang magtamo ng injury sa mukha si Nieto makaraang masiko ni Ben Mbala ng La Salle sa second quarter.
Aminado si Mbala ni hindi niya sinadyang masiko si Nieto na bumalik naman sa court makalipas ang ilang minuto makaraang maputukan ng kaliwang kilay.
Muling maghaharap sa Game 2 ang dalawang koponan sa the big dome pa rin sa Miyerkules.