Nasikwat ng Pilipinas ang una nitong panalo sa first round ng FIBA 3×3 World Cup na ginaganap sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan.
Kasalukuyang nakapako ang Philippine Team sa 4th spot ng Pool C makaraang maungusan ang Brazil sa score na 15-7.
Kumamada ng tig-apat na puntos sina Stanley Pringle, Roger Pogoy at Troy Rosario habang nag-ambag ng tres si Christian Standhardinger para sa Pilipinas.
Gayunman, natalo ang mga basketbolistang Pinoy sa second round kontra Mongolia sa score na 17-21.