Kinubra ng Magnolia Hotshots ang unang panalo sa best-of-seven series ng semi-finals ng Philippine Cup, kontra Meralco Bolts.
Pinataob ng Hotshots ang Bolts sa score na 88 – 79 sa kanilang paghaharap sa game 1 sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga, kahapon.
Nagpakawala ng 17 points si Paul Lee habang nag-ambag ng 13 points si Calvin Abueva para sa magnolia.
Kumamada naman ng double-double 14 points at 10 rebounds si Bong Quinto para sa Meralco. — Sa panulat ni Drew Nacino