Tatangkain ng defending champion na National University Bulldogs na masungkit ang una nilang panalo sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 78 mens basketball tournament kontra sa Ateneo de Manila University Blue Eagles.
Ito ay makaraang makalasap ng 2 sunod na pagkatalo ang NU sa kamay ng De La Salle University at University of the East.
Ayon kay NU bulldogs coach Eric Altamirano, bagamat batid nilang underdog sila kontra Ateneo ay sisikapin pa rin aniya nilang baguhin ang kanilang laro na hindi umubra sa mga nakalipas nilang laban upang muling makabangon.
Sinabi naman ni Blue Eagles star player Kiefer Ravena, hindi sila magiging kampante sa laban kahit pa alam nilang nagkukumahog at nasa alanganing sitwasyon ngayon ang NU.
Ang salpukan ng Bulldogs at Blue eagles ay magaganap mamayang 4:00 ng hapon.
By: Ralph Obina