Ibinahagi ng kauna-unahang Pilipino na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob ng bansa ang kanyang karanasan sa pakikipag laban sa virus.
Siya si Carlo Llanes Navarro, na tinagurian ng Department of Health (DOH), bilang patient number 4.
Ayon kay Navarro, nakaramdam sya ng panginginig at nagkaruon ng sinat, isang linggo matapos dumating mula sa biyahe sa Japan.
Upang makatiyak,nagtungo anya sya sa st lukes hospital at sa kabila ng pahayag ng doktor na hindi pa sya kailangang i-COVID test ay iginiit nya ito.
Makaraan anya ang dalawang araw, nawala ang kanyang sinat subalit napalitan ng pananakit ng kalamnan at grabeng ubo.
Nang matanggap nga ang resulta ng test na sya ay positibo ay agad na nagpa confine sa ritm at sinuri na rin ang kanyang pamilya at kasambahay.
Ayon kay Navarro, walang katapusang pagsusuka at diarrhea ang kanyang naranasan at stress dahil sa pag aalala sa kanyang pamilya.
Dalawang linggo anya sya sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) bago pinalabas nang wala na ang kanyang mga sintomas.
Negatibo naman ang resulta sa kanyang pamilya at kasambahay.