Pormal nang nagsara via adjournment sine die ang sesyon ng dalawang kapulungan sa ilalim ng ika-17 Kongreso, kahapon.
Ipinagmalaki ni Senate President Koko Pimentel ang mga naging accomplishment ng Senado sa nakalipas na isang taon tulad ng pagpapatibay sa pambansang budget at pagsasabatas ng anim (6) sa apatnapung (40) priority bills ng ehekutibo at lehislatura.
Ayon kay Pimentel, mayroon aniya silang mahigit 1,400 panukalang batas at halos 400 resolusyon na inihain sa Senado.
Kasunod nito, nangako si Pimentel na kanilang aatupagin ang panukalang Charter Change at ang pagpapalit ng sistema sa pederalismo sa pagsisimula ng ikalawang regular na sesyon.
Sa panig naman ng Kamara, pinagtibay ng mga mambabatas ang Presidential Proclamation 216 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon Kay House Speaker Pantaleon Alvarez, panahon na para tingnan ang perspektiba ng Batas Militar sa Mindanao sa kasalukuyan kumpara sa nakalipas dahil malinaw naman ang mga inilagay na safeguards ng Saligang Batas upang maiwasan ang pang-aabuso.
By Jaymark Dagala / with reports from Cely Bueno and Jill Resontoc
Sesyon ng Kongreso pormal nang nagtapos was last modified: June 1st, 2017 by DWIZ 882