Tumagal lamang ng halos 7 oras ang unang round ng botohan sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL sa Ad Hoc Committee ng kamara, kahapon.
Dakong alas-1:00 ng hapon nang magsimula ang botohan sa pangunguna ni Committee Chairman at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez.
Gayunman, ang ikalawang bersyon ng BBL o ang “Chairman at Vice Chairman’s Working Draft” ang pinagbotohan sa mababang kapulungan ng kongreso at hindi ang bersyon ng Malacañang.
Ang ikalawang draft ay inilabas isang araw matapos ang pulong sa pagitan ni Pangulong Noynoy Aquino at ilang leader sa kamara sa pangunguna ng Chairman ng naturang kumite, sa Malacañang noong Biyernes.
Kabilang sa pinagbotohan ng 75-member panel ang mga section ng artice 5 o powers of government, sa page 15 ng final draft ng BBL.
Dakong alas-7:30 kagabi naman nang suspendihin ang botohan habang magre-resume ito ngayong umaga.
By Drew Nacino