Dumating na sa bansa ang kauna-unahang bakuna kontra dengue na kung tawagin ay dengvaxia.
Kaugnay nito, sinabi sa DWIZ ni Dr. Lyndon Lee-Suy, Spokesman ng Department of Health (DOH) na sa Abril ay inaasahang magsisimula ang libreng anti-dengue vaccine para sa mga Grade 4 student sa mga pampublikong eskwelahan sa NCR, Region 3 at 4-A.
Hinihikayat ni Lee Suy ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa eskwelahan sa scheduled vaccination day.
Ipinaalala rin ng DOH official na kailangang makumpleto ang tatlong doses ng bakuna.
“3 doses ito, halimbawa binigyan ka ngayon, ang ikalawa mo eh pagkaraan ng anim na buwan at ang susunod eh another 6 months, napaka-importante na alam ito ng mga magulang kasi baka akala nila minsan lang tapos na, for you to have the complete coverage na talagang gusto nating maximum protection ang ibigay natin sa bata ay kailangang makumpleto niya yung 3 doses.” Pahayag ni Lee Suy
By Meann Tanbio | Ratsada Balita