Pinaghahandaan na ng Kongreso ang kauna-unahang State Of the Nation Address o SONA ni President-elect Rodrigo Duterte sa Hulyo 25.
Gaganapin sa Huwebes, Hunyo 16 ang unang coordination meeting ng “task force SONA 2016” na gaganapin sa Mitra Hall sa Batasan complex.
Imbitado sa coordination meeting ang mga opisyal ng Malakanyang, Radio-Television Malacañang o RTVM, mga kinatawan mula sa Senado at Kamara, at media mula sa telebisyon, radyo, online at print.
Inaasahang magiging iba ang SONA ni Duterte, lalo’t nagpasabi na ilang cabinet members nito na simple lamang ang gustong okasyon ng bagong Pangulo.
By: Meann Tanbio