Very good na maituturing ang kabuuan ng unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa assessment na ginawa ni Professor Ranjit Rye ng University of the Philippines, Department of Political Science, eight hanggang 9 ang grado na maibibigay niya sa Pangulo pagdating sa paglatag ng mga basic services at paglaban sa katiwalian samantalang 7 hanggang 8 naman pagdating sa giyera kontra krimen.
Sa kabila nito, sinabi ni Professor Rye na marami pang dapat gawin sa istilo ng panunungkulan ng Pangulo dahil marami rin namang pagkukulang ang administrasyon sa kabuuan.
Ayon kay Rye, nailatag na ng maayos ng Pangulo ang mga nais niyang mangyari sa bansa, ang kailangan na lamang ay magandang implementasyon ng mga ito.
“Normal yan sa isang administrasyon, may hit and miss yan, pero para sa akin on the whole maganda ang unang taon, kailangan lang mag-focus on implementation, so kung may BUILD, BUILD, BUILD dapat may IMPLEMENT, IMPLEMENT, IMPLEMENT, we have to focus on that kasi mataas ang expectation ng taong bayan, na may mailalatag na magagandang programa at solusyon sa mga araw-araw na problema natin.” Pahayag ni Rye
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Photo: Malacañang Photo Bureau