Binigyan ng magkahiwalay na iskor ni VACC o Volunteers Against Crime and Corruption Chairman Dante Jimenez ang Pangulong Rodrigo Duterte at ang administrasyong Duterte sa unang taon nito.
Sa panayam ng programang ‘Balita Na, Serbisyo Pa‘ ng DWIZ, sinabi Jimenez na sampu (10) ang kanyang rate sa Pangulong Duterte.
Habang binigyan naman niya ng siyete (7) na grado ang administrasyong Duterte.
Paliwanag ni Jimenez, magkaiba umano ang performance ng Pangulong Duterte sa kabuuang administrasyon.
Dahil umano sa mabagal na aksyon ng lehislatura at hudikatura ng naturang administrasyon, nahihila pababa ang rating ni Pangulong Duterte.
“Sa 1 to 10, scale of 1 to 10, sampu siya pero sa Duterte administration dahil he is the President siyete (7) lang because mabagal ang legislative, mabagal ang judiciary, na-apektuhan si Presidente eh.”
Hinamon rin ni Jimenez ang kongreso na ipasa na ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan kaugnay na rin sa nangyaring Bulacan massacre noong Martes kung saan pinatay ang mag-iina at isang lola.
Samantala, umapela naman si Jimenez sa publiko na patuloy na suportahan at ipagdasal ang Pangulong Duterte.
By Race Perez | Balita Na, Serbisyo Pa Program (Interview)