Isang mapanganib na taon o dangerous year para sa kababaihan ang unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y ayon kay Sen. Riza Hontiveros, dahil nagmarka rito ang human rights crisis, misogyny o matinding galit sa mga babae at mga kaso ng Extra Judicial Killings.
Kasabay nito, binigyan ni Hontiveros si Duterte ng gradong 8000 hanggang 12,000na kumakatawan sa bilang ng mga napatay sa giyera ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Aniya, ang unang taon ni Pangulong Duterte ay araw ng pag-gunita sa mga naging biktima ng EJK.
Dagdag pa ni Hontiveros, tumindi ang kultura ng sexism at impunity sa Duterte Administration dahil kapansin-pansin aniya ang matinding galit at pagpapahirap sa mga babaeng lider na kritiko ng Pangulo.
Iginiit din ni Hontiveros ang matinding pangangailangan sa mga progresibong kababaihan sa larangan ng politika para mapigilan ang lumalalang kalakaran sa bayolenteng linggwahe tulad ng rape jokes at mga fake news.
By: Krista de Dios
Unang taon sa panunungkulan ni Pres. Duterte isang mapanganib na taon – Sen. Hontiveros was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882