Nakapagtala na ng tatlong kaso ng firecracker injuries ang Department of Health (DOH) sa unang araw pa lamang ng kanilang surveillance bilang bahagi ng preparasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, pawang mga batang edad 6 hanggang 10 ang naitalang biktima sa action paputok injury reduction report.
Dalawa anya sa mga bata nagtamo ng paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan subalit hindi naman malala ang pinsala kaya’t hindi na kailangang putulin ang bahagi na nagtamo ng injury mula sa piccolo.
Ang isa naman ay bystander lamang na tinamaan ng boga sa mata.
Pawang nagmula sa Ilocos Norte, Maynila at Pasay ang mga unang naitalang firecracker injuries.
By Drew Nacino