Nasa port of Manila na ang unang bahagi ng 13 trainset para sa PNR Clark Phase 1 o Malolos-Clark, na binili ng Department of Transportation mula sa Japan Transport Engineering Company at Sumitomo Corporation.
Ayon sa DOTr, daraan sa custom clearances ang first batch ng trainset at matapos nito ay dadalhin naman sa Malanday depot, Valenzuela sa Disyembre.
Dumaan at nakapasa sa factory acceptance test sa J-Trec Factory sa Japan ang trainset noong Oktubre bago i-dineliver sa Pilipinas.
Inaasahang darating naman sa ikalawang quarter ng susunod na taon ang pangalawang batch.
Sa oras na maging operational ang PNR Clark Phase 1, na kokonekta sa Malolos, Bulacan at Tutuban, Maynila, magiging kalahating oras na lamang ang biyahe mula sa kasalukuyang isang isa’t kalahating oras.
Tinatayang tatlundang libong pasahero naman ang inaasahang ang mase-serbisyuhan ng nasabing proyekto. —sa panulat ni Drew Nacino