Kalaboso ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa Nueva Ecija.
Kinilala ang violator na si Percival Miranda, 57 anyos, na unang lumabag sa gun ban sa lalawigan sa ilalim ng election period.
Batay sa ulat, pinahinto si Miranda ng mga operatiba sa isang checkpoint sa Barangay Poblacion East nang sumailalim sa pagbubusisi nakuha sa kanya ang isang .45 caliber pistol.
Nabigo naman na magpakita ng Certificate of Authority to Carry a Firearm ang violator sanhi upang siya ay hulihin at kumpiskahin ang kanyang dalang baril.
Sinampahan na si Miranda ng kasong paglabag sa COMELEC gun ban at Comprehensive Law of Firearms and Ammunition Regulation Act. —sa panulat ni Kim Gomez